THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Tuesday, December 8, 2009

My Home

itatagalog ko ba ito? or in an english version?
taglish na lang para mas madali....

May mga taong palipat-lipat ng bahay
Meron din mga tao ang bahay dala-dalawa
at meron din naman mga tao simula ng ipinanganak hanggang sa
nag-asawa sila iisa lang ang bahay na tinirahan nila...

Ako masasabi ko, nung una dun ako sa palipat-lipat ng bahay
kasi? mapili ako pero hindi naman masyadong mapili...
ako kasi pag pipili ako ng titirahan gusto ko ung pang matagalan
gusto ko yung masasabi ko sa sarili ko..
"ay gusto ko na dito, dito na lang ako"

Pano ko masasabi na gusto ko na yung bahay na yun at ayw ko ng lumipat?
hmmm... basta pag nafeel ko yung sarili ko na cge ito na, dito na lang ako...
pag pakiramdam ko secure ako sa lugar na yun, pag nakita ko siguro na malabong
pasukan ng mga masasamang loob (nyak sobrang tagalog)
basta!! pagnaramdaman ko ang sarili ko
mas naniniwala kasi ako sa instinct ko eh.. sabi nga nila
"woman instinct is powerful and never been wrong"

mabalik tayo una nagpalipat lipat din ako ng bahay...
meron akong tinirahan ng isang taon kala ko dun na ako hindi pa pala
habang tumatagal kasi dumadami ang tao, iba't ibang tao...
nagiging populated akala ko safe...
kaso napasukan ako ng magnanakaw...
walang iniwan sa bahay ko ni isa...
lahat inubos kahit ang pera ko at mga gamit ko..
pati pagkain! di man lang nagtira!!
buti na lang anjan ang mga magulang ko at mga kaibigan ko
supportive kahit papaano... at least daw naranasan ko..
tama naman sila...

Lumipat na naman ako ng bahay this time yung bahay
bagong-bago.. lahat bago, fully furnished ito..
pero masyado kasi mahal dahil nga sa bago...
nirentahan ko na lang.. kaya di ako may-ari..
di ko kasi sya kaya bayaran at alam ko naman na napakamahal nya
kaya ganun na lang ang ginawa ko...

ito na naman lumipat na naman ako! hahaha walang katapusang paglipat ito!
ngaun naging praktikal ako dito..
sabi ko dapat malapit sa work...
sabi ko kahit second hand na yung bahay ok lang basta praktikal...
hehe ayun nga kaso kinuha din ng may-ari... tlgang pinahiram lang s akin
no choice ako bhay nya yun, nanghihiram lang ako (drama!)

after that nakahanap naman ako...
korak!! LUMIPAT AKO ULIT!!
hehehe wag ng magtaka...

ANG BAGO KONG BAHAY! BOW!
hahaha! nakakatuwa, ang linis...
maganda ang view, napakatahimik, wala masyado nakatira
fully furnished siempre! lahat bago...
infairness mahimbing ang tulog ko sa gabi...
yung mga taong nadadaanan ko pag nauwi ako galing work..
very very approachable...
san ka pa?? ang sarap sarap tumira sa bago kong bahay...
wala ako masyado agam-agam(nyaaa tagalog ulit!)
di mo naman maalis sa akin kung nakatingin ko sa mangyayari sa future...
pero kung ano man ang mangyari.. eh di go na lang ng go!!
go with the flow...
sabi ko nga lagi pagkahiga ko sa higaan ko...
"at last Im Finally Home"
Napamahal na nga ako sa mga tao doon...
ang babait kasi...
anytime na need mo sila anjan lang sila walang problema...
nakakatuwa di ba? parang ang saya sa lugar ko?
ang saya saya sa bahay na tinitirahan ko...
at!!! masasabi ko din na...
"hay salamat! andito na ako sa BAHAY KO!"
oo akin, ako may-ari
hindi nakikirenta..

0 comments: